Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Tibet Autonomous Region.
Naitala ang pagyanig alas 4:07 ng madaling araw Huwebes (July 23) oras sa Pilipinas.
Ayon sa US Geological Survey, ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 302 kilometers ng Nagqu.
Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Nepal at China.
Wala pa namang napaulat na pinsala ng naturang malakas na lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.