LPA sa Mindanao maliit ang tsansa na maging isang bagyo

By Dona Dominguez-Cargullo July 23, 2020 - 05:33 AM

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao

Huling namataan ang LPA sa layong 420 km East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Palawan at Mindanao.

Ayon sa PAGASA, maliit ang tsansa na mabuo bilang isang ganap na bagyo ang LPA.

Dahil sa LPA at ITCZ, makararanas ng makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw ang buong Mindanao.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap na papawirin lamang ang mararanasan na mayroong isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.

 

 

TAGS: Inquirer News, ITCZ, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, ITCZ, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.