P136-M halaga ng shabu na nakasilid sa Chinese teabags, nasamsam sa Quezon City
Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P136 milyong halaga ng shabu na isinilid sa Chinese teabags sa Quezon City, Miyerkules ng hapon.
Base sa ulat ng PDEA, ikinasa ang buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Central bandang 1:52 ng hapon.
Nahuli sa operasyon ang tatlong suspek, kabilang ang dalawang Chinese nationals na sina Yao Yuan at Piao Hong.
Naaresto rin ng mga otoridad ang kasabwat ng dalawa na si Israel Ambulo.
Nakuha sa tatlo ang shabu na nakatago sa Chinese teabags, ginamit na sasakyan para sa drug transaction at apat na cellphone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.