15 volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon sa magdamag
a nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng labinglimang volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon.
Ayon sa Volcano Bulletin ng Phivolcs na inilabas ngayong araw (July 22), nakapagtala din ng mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes na umabot sa 600 meters ang taas.
Noong July 18 ang sulfur dioxide mula sa Bulkang Kanlaon ay nasukat sa average na 583 tonnes/day.
Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.
Paalala ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.
Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng biglaang phreatic eruption.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.