Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 4,879

By Mary Rose Cabrales July 22, 2020 - 04:12 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (July 21, 3:00 PM) nakapagtala ng 182 na bagong kaso kaya pumalo na sa 4,879 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,009
Laguna – 1,674
Batangas – 731
Rizal – 1,216
Quezon – 249

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 2,776.

Nasa 1,847 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 10 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 566
Batangas – 306
Rizal – 460
Quezon – 182

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 4 kaya umabot na sa 252 ng bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 53
Laguna – 58
Batangas – 37
Rizal – 95
Quezon – 13

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

TAGS: covid cases in calabarzon, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases in calabarzon, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.