Pangulong Duterte pipiliting makabili ng maraming face mask para maipamahagi sa publiko

By Dona Dominguez-Cargullo July 21, 2020 - 09:13 AM

Pipilitin ng pamahalaan na makabili ng maraming face mask para maipamahagi ng libre sa mga mamamayan.

Sa kaniyang public address sinabi ng ni Pangulong Duterte na pipilitin niyang bumili ng maraming face mask.

Ipamimigay aniya ito ng libre sa lahat para wala nang dahilan ang mga tao na hindi magsuot nito.

Kailangan ayon sa pangulo na tiyakin na isusuot ng mga tao ang face mask.

“I will try to buy as many as I can afford kung kaya ko, ibigay namin sa inyo ‘yan and wear it,” ayon sa pangulo

Sinabi rin ng pangulo na pwede namang gamitin ng dalawang beses ang face mask basta i-disinfect lamang ito.

Noong nakaraang pulong ng inter agency task force, iminungkahi ng health expert na si Dr. Anthony Leachon na gawing libre para sa lahat ang face mask.

Ani Leachon, maaring ayaw naman talagang sumuway ng iba subalit wala silang pambili ng face mask.

Marami aniyang mahihirap na mamamayan ang walang pambili ng makakain kaya tiyak wala ring pambili ng face mask.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, free face mask, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, free face mask, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.