Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 938 na
Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Lunes, July 20, 3PM), umabot na sa 938 ang bilang ng active cases sa lalawigan kung saan nakapagtala ng 37 bagong active cases.
Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:
San Pedro (Larger Community) – 190
San Pedro (BJMP) – 18
Biñan (Larger Community) – 250
Biñan (BJMP) – 9
Santa Rosa – 186
Calamba – 104
Los Baños – 14
Cabuyao – 86
San Pablo – 25
Santa Cruz – 13
Bay – 5
Calauan – 8
Alaminos – 8
Pila – 1
Victoria – 3
Nagcarlan – 6
Liliw – 2
Pagsanjan – 2
Majayjay – 2
Lumban – 1
Cavinti – 1
Siniloan – 3
Magdalena – 1
Rizal – 1
Mabitac – 1
Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nanatili sa 75.
Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 811.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 1,824.
Samantala, nasa 2,068 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.