PNP handang sumuporta sa DepEd sa pagbubukas ng klase sa August 24
Handa ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ng suporta sa Department of Education (DepEd) sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa August 24.
Sa press briefing, sinabi ni PNP Chief General Archie Gamboa na susuporta ang kanilang hanay sa Brigada Eskwela at Pulis Ko, Titser Ko Program ng kagawaran.
Magkakasa aniya ng mga aktibidad at operasyon ang pambansang pulisya kabilang ang security plan, pagdalo sa mga pulong kasama ang mga opisyal ng DepEd at iba pa.
“We will undertake the necessary activities and operations including implementation of security plan, attending coordination meetings with DepEd Offices, LGUs, PTA, volunteer groups, and stakeholders to carry out public safety services, conduct assessment on the security and safety operations for DepEd personnel who will deliver printed and digital modules to hard-to-reach areas,” pahayag ni Gamboa.
Magiging responsable aniya ang mga lokal na pulis sa pagbibigay-seguridad sa iba’t ibang lugar, transportation hubs, at learning institutions upang protektahan ang mga estudyante, guro at magulang.
“As has been the practice, local police units will be responsible in providing security to places of convergence, transportation hubs, and learning institutions to protect the students, teachers, and parents from criminal elements who may take advantage of the situation,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.