Pagbubukas ng klase sa August 24, tuloy pa rin – Palasyo
Tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase sa August 24, ayon sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na mababago lamang ang petsa ng school opening kung magkakaroon ng bagong rekomendasyon si Education Secretary Leonor Briones.
“Pero this certainly gives flexibility to the Executive department kung sa tingin nila mas kinakailangan pa ng mas mahabang panahon bago tayo bumalik sa eskwelahan,” pahayag ni Roque.
Ipatutupad ang “blended learning” sa pagsisimula ng klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.