Manila Mayor Isko Moreno umapela ng donasyon para maipagpatuloy ang libreng COVID-19 mass testing
Umapela ng donasyon si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang maging tuluy-tuloy ang operasyon ng lirbeng walk-in at drive thru testing centers sa lungsod.
Ayon kay Moreno, ang mga malilikom na donasyon ay gagamitin para maipambili ng ma kailangan sa pag-test ng blood samples mula sa mga pasyente.
Bukas ang libreng COVID-19 testing ng Maynila para sa lahat residente man o hindi ng lungsod.
“I want every Manileño to be good people to others, like how Manila is trying to be a good neighbor to other cities,” ayon kay Moreno.
Ang testing area sa Quirino Grandstand ay mayroong capacity na 700 tests kada araw habanga ng Lawton drive thru area naman ay 200 tests per day ang capacity.
Bukas ang dalawang drive thru testing sites Lunes hanggang Biyernes mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Binuksan na din ng Manila City government ang kanilang Walk-In Testing Center sa Ospital ng Sampaloc.
Bukas din ang Walk-In Testing Center sa mga residente at hindi residente ng lungsod.
Sa loob ng 24 na oras ay makukuha na ang resulta na ipadadala sa e-mail o text.
Kung residente ng Maynila, ang certification ng resulta ay ide-deliver sa kanilang tahanan.
Para naman sa mga hindi taga-Maynila, maaring kunin ang certification sa Releasing Lane sa Quirino Grandstand testing site.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.