Sangkap din sa mga cosmetics at mga laruan ang natagpuang kemikal sa pekeng bigas o ‘synthetic rice’ na pinaniniwalaang kumalat na sa mga pamilihan.
Ang pahayag na ito ng grupong EcoWaste Coalition, isang environmental watchdog, ay kasunod ng pag-amin ng National Food Authority – Food Development Center (NFA-FDC) na may taglay na ‘dibutyl phthalate’ (DBP) ang pekeng bigas na nabili umano sa Davao at sinuri ng mga eksperto.
Sinabi ng EcoWaste na ang nasabing ‘chemical contaminant’ ay pinagbabawal din na gamitin sa mga sa mga cosmetic at laruan at lalo na sa mga pagkain tulad ng bigas.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkabahala si Sonia Mendoza, isang chemist at president ng EcoWaste lalo pa aniya at nakapasok na sa merkado ang pekeng bigas. / Ricky Brozas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.