Maraming barangay sa Cavite nakararanas ng water service interruption
Maraming mga barangay sa lalawigan ng Cavite ang nakararanas ngayon ng water service interruption.
Ayon sa abiso ng Maynilad, ito ay dahil sa mataas na demand ng tubig sa kanilang PAGCOR Pumping Station.
Apektado ng low pressure hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig ang maraming mga barangay sa Cavite City, Imus City, Kawit Cavite, Noveleta Cavite, at Rosario Cavite.
Bukas (July 21) na ng madaling araw, inaasahang babalik sa normal ang suplay ng tubig.
Narito ang mga apektadong lugar:
Samantala, ilang barangay naman sa Parañaque City ang makararanas din ng water service interruption simula alas 12:00 ng tanghali mamaya hanggang alas 11:00 ng umaga bukas.
Ito ay dahil naman sa hindi magandang kalidad ng raw water mula sa Laguna Lake na pumapasok sa Putatan Treatment Plant.
\
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.