DFA binati ang UAE sa paglulunsad ng Mars Hope Probe
Nagpaabot ng pagbati ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa United Arab Emirates sa matagumpay nitong paglulunsad ng Hope Probe patungong Mars.
Isinagawa ang launching ngayong umaga.
Ayon sa pahayag ng DFA, ang tagumpay ng space probe launch ng UAE ay isang historic milestone.
“From reaching for pearls in the deep ocean to reaching for the starry gems in the sky up high— Congratulations, UAE, for another historic milestone in its space probe launch! UAE’s Mars Hope Probe is a great achievement for Arab women in the sciences! Mabrouk!,” ayon sa pahayag ng DFA.
Ang Hope Probe ay inilunsad mula sa Tanegashima Space Centre sa southern Japan.
Inaasahang makararating sa orbit ng Mars ang Hope Probe sa February 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.