Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 14.6 million na
Umakyat na sa mahigit 14.6 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa pinakahuling datos, 14,633,020 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 200,000 na bagong kaso sa magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 3,896,848 matapos makapagtala ng mahigit 63,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 24,000 bagong kaso habang mahigit 40,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Umakyat naman ang South Africa sa pang-lima na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ng Peru.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 2,099,896
India – 1,118,107
Russia – 771,546
South Africa – 364,328
Peru – 353,590
Mexico – 338,913
Chile – 330,930
Spain – 307,335
UK – 294,792
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.