ITCZ magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo July 20, 2020 - 05:50 AM

Apektado ng intertropical convergence zone ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa weather forecast ng PAGASA ang ITCZ ay magdudulot ng maulap na papawiriin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, at Visayas.

Kaninang alas 4:25 ng umaga nakataas ang thunderstorm advisory ng PAGASA sa buong lalawigan ng Quezon.

Nakasaad sa abiso na katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa nasabing lalawigan.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na mga pag-ulan.

Wala namang iaasahang sama ng panahon na mabubuo sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na mga araw.

 

 

 

TAGS: DOST, Inquirer News, ITCZ, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, DOST, Inquirer News, ITCZ, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.