Mayor Joy Belmonte balik-trabaho sa City Hall matapos makumpleto ang 14 na araw na quarantine period
By Dona Dominguez-Cargullo July 20, 2020 - 05:27 AM
Naka-recover na sa COVID-19 si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Natapos na din niya ang 14 na araw na quarantine period kaya balik trabaho na siya sa City Hall simula ngayong araw ng Lunes, July 20.
Sa pahayag ng QC LGU, nabigyan na ng clearance ng City Health Department si Belmonte matapos na magnegatibo na sa test.
Walang sintomas ng COVID-19 ang alkalde sa kabuuan ng kaniyang quarantine period kaya kahit naka-quarantine ay patuloy ang pagganap sa tungkulin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.