Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 4,537
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (July 19, 3:00 PM) nakapagtala ng 99 na bagong kaso kaya pumalo na sa 4,537 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 959
Laguna – 1,525
Batangas – 631
Rizal – 1,185
Quezon – 237
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 2,462.
Nasa 1,823 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 45 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 566
Batangas – 289
Rizal – 459
Quezon – 176
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan nang isa kaya umabot na ito sa 252.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 53
Laguna – 56
Batangas – 35
Rizal – 95
Quezon – 13
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.