Mga dayuhan papayagan nang pumasok sa bansa
Papayagan na ng Inter Agency Task Force ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhan simula sa August 1.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa pulong ng IATF kahapon, July 16 inaprubahan na ang pagpasok sa bansa ng foreign nationals na may long-term visas.
Ayon kay Roque, nagtakda naman ng mga kondisyon ang IATF para sa mga dayuhang darating sa bansa.
Dapat ay mayroon silang valid at existing visas sa pagdating nila sa Pilipinas.
Paiiralin din sa kanila ang maximum capacity ng inbound passengers sa mga Paliparan dahil prayoridad pa din ang pagpapauwi sa mga overseas Filipinos.
Ang mga dayuhan na darating sa bansa ay dapat mayroong pre-booked accredited quarantine facility at pre-booked COVID-19 testing provider.
“They must first have valid and existing visas at the time of the entry. This means no new entry visa shall be accepted. They are likewise subject to the maximum capacity of inbound passengers at the port and date of entry, as returning overseas Filipinos will be given priority. Foreign nationals must also secure a pre-booked accredited quarantine facility and a pre-booked COVID-19 testing provider. In the same meeting, the members of the IATF prohibited spectators in all outdoor non-contact sports and exercises in areas under general community quarantine and indoor and outdoor sports and exercises in areas under modified general community quarantine,” ayon kay Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.