Kaso ng COVID-19 sa buong mundo halos 14 million na
Umakyat na sa halos 14 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa pinakahuling datos, 13,937,253 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 240,000 na bagong kaso sa magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 3,694,948 matapos makapagtala ng mahigit 73,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 43,000 bagong kaso habang mahigit 35,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Umakyat naman ang South Africa sa pang-anim na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ang Chile at Mexico.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 2,014,738
India – 1,005,637
Russia – 752,797
Peru – 341,586
South Africa – 324,221
Chile – 323,698
Mexico – 317,635
Spain – 305,935
UK – 292,552
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.