31 sa 235 na sumailalim sa drive-thru COVID-19 testing sa Maynila, nagpositibo
Umabot sa 31 mula sa 235 na sumailalim sa drive-thru COVID-19 testing sa Maynila ang nagpositibo sa sakit.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, ang mataas na bilang ng mga nagpositibo ay paalala sa publiko na dapat seryosohin ang sakit.
Ang drive-thru testing facility ay nasa Kartilya ng Katipunan monument malapit sa Manila City Hall kung saan libreng nakapagpapasailalim sa test ang mga residents at non-residents ng Maynila.
Dahil sa madami ang nagpasailalim sa test sa unang araw ng pagbubukas ng drive-thru testing, target ng pamahalaang lungsod na magbukas ng isa pang pasilidad.
Isa sa tinitignang lugar para sa panibagong drive-thru testing ang Quirino Grandstand.
Ang drive-thru testing sa Maynila ay gumagamit ng COVID-19 serology testing machine.
Mas accurate ang resulta nito kaysa sa rapid test kits dahil mayroon itong accuracy rate na 99.6 percent para sa specificity at 100 percent para sa sensitivity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.