BREAKING: Bilang ng tinamaang ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 61,000 na
Nadagdagan pa nang mahigit 2,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa press briefing, sinabi ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (July 16), umabot na sa 61,266 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 38,183 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,498 na bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 1,246 ang “fresh cases” habang 1,252 ang “late cases.”
“Ang mga kaso iniulat natin ngayong araw ay mula po sa laboratory submissions ng 71 out of 84 licensed laboratories,” ani Vergeire.
Nasa 29 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 1,643 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 467 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 21,440 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.