Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 13.6 million na

By Dona Dominguez-Cargullo July 16, 2020 - 11:03 AM

Umakyat na sa mahigit 13.6 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 13,691,627 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 200,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 3,616,747 matapos makapagtala ng mahigit 70,000 pang bagong kaso.

Ang Brazil ay nakapagtala ng halos 40,000 bagong kaso habang mahigit 32,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.

Umakyat naman ang South Africa sa pang-walo na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ng Spain.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 1,970,909
India – 970,169
Russia – 746,369
Peru – 337,724
Chile – 321,205
Mexico – 317,635
South Africa – 311,049
Spain – 304,574
UK – 291,911

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, COVID-19 cases, global cases, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 cases, global cases, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.