Palawan, buong Visayas at Mindanao apektado ng ITCZ
Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang umiiral na weather system ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa.
Ang ITCZ ay magdudulot ng pag-ulan sa Visayas at maraming lugar sa Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw magiging maulap ang papawirin at makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Visayas, Palawan, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga.
Bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa at makararanas lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo o papasok sa bansa sa susunod na 2 hanggang 3 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.