Hacker nag-sorry kay ‘Yaya Dub’
Humingi ng tawad ang nang-hack ng Instagram account ni Maine Mendoza na mas kilala bilang “Yaya Dub”.
Matatandaang na-hack ang Instagram account ni Mendoza, Martes ng gabi.
Pinalitan ng hacker ang username ni Mendoza, ang profile picture nito, at binura lahat ng pictures na laman ng account.
Ginawa rin nitong private ang account ni Mendoza na dating naka-public at may 2.2 million followers.
Unang napansin ng kaniyang on screen partner na si Alden Richards ang pagkaka-hack ng account ni Maine, at pinost ito sa kaniyang Twitter account para ipaalam sa publiko.
Pagdating ng Miyerkules ng umaga, nag-post sa Twitter si Mendoza at sinabi sa kaniyang followers na, “Tulog na kayo, I’m fine.”
Ito’y sa kabila ng kaniyang kabiguan na ma-retrieve ang kaniyang sariling account.
Pero ngayon, ibinalik na ng hacker ang username ni Mendoza na ‘mainedcm’, at nag-iwan ng mensahe sa description ng account nito.
Nakasaad dito na “I will put your email so reset the password, I know I’m wrong, I’m sorry.”
Magugunitang noon namang November 2015, na-hack naman ng Anonymous Philippines ang Twitter account ni Mendoza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.