Mga gumagawa ng online barter, hindi dapat pagdiskitahan ng DTI – Rep. Salceda

By Erwin Aguilon July 15, 2020 - 09:27 PM

Iginiit ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na mas maraming bagay na maaring gawin ang Department of Trade and Industry sa halip na pag-initan ang online barter.

Ayon kay Salceda, walang masama sa barter trade bukod pa sa legal ito base sa New Civil Code.

Pinapayagan sa ilalim ng barter system ang palitan ng produkto sa produkto at hindi kinakailangang pera ang pambayad.

Bukod dito, wala din aniyang nakasaad sa Executive Order 64 na bawal ang barter trade na gawin sa online at sa ibang rehiyon sa bansa.

Sabi ng mambabatas, sa panahon ng krisis, mas maraming bagay na maaaring gawin ang DTI tulad na lamang ng pagbabantay sa presyo ng mga bilihin at ang pagbibigay ng suporta sa mga negosyo.

Reaksyon ito ni Salceda kasunod ng pahayag ng DTI na tutugisin ang mga gumagawa ng modern-day barter trade o palitan ng mga produkto o serbisyo.

TAGS: dti, Inquirer News, online barter, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda, dti, Inquirer News, online barter, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.