43 pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19

By Angellic Jordan July 15, 2020 - 05:22 PM

Nasa 43 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 15, umakyat na sa 8,915 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 64 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,986 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

5,311 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, nanatili pa rin sa 618 ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,431 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,063 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 699 naman ang kaso sa Americas at 722 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.