Higit 240,000 pasahero, naserbisyuhan ng Bus Augmentation Program ng MRT-3
Umabot na sa 244,255 pasahero ang naserbisyuhan ng MRT-3 Bus Augmentation Program.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay naitala simula nang ilagay sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila noong June 1 hanggang July 14.
Nasa 90 bus units pa rin ang naide-deploy kada araw sa mga istasyon ng MRT-3.
Umabot na rin sa 17,326 ang naisagawang bus trip.
Nagsisimula ang biyahe bandang 4:00 ng madaling-araw hanggang 9:00 ng gabi.
Narito ang mga sumusunod na bus stop:
Southbound:
North Avenue (Loading only)
Quezon Avenue (Loading/Unloading)
Ortigas (Unloading only)
Guadalupe (Unloading only)
Ayala (Unloading only)
Taft Avenue (Unloading only)
Northbound:
Taft Avenue (Loading only)
Ayala (Loading and Unloading)
Guadalupe (Unloading only)
Ortigas (Unloading only)
Quezon Avenue (Unloading only)
North Avenue (Unloading only)
Istrikto namang ipinatutupad ang 3-minute regular dispatch schedule sa mga bus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.