Agilang si ‘Matatag’ binaril

By Jay Dones February 25, 2016 - 01:18 AM

 

Mula sa www.philippineeaglefoundation.org

Sugatan ang isa na namang Philippine Eagle matapos barilin sa Davao City.

Si ‘Matatag’ na isa sa mga agilang pinakawalan sa kabundukan ng Davao ay nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .22 sa kanang pakpak.

Kusang-loob na dinala ng magsasakang si Tiburcio Aparesio sa Philippine Eagle Foundation sa Malagos ang sugatang agila.

Inamin din nito na siya mismo ang nakabaril sa agila.

Paliwanag nito, nangangaso sila ng kanyang kapatid sa Barangay Carmen, Baguio District, Davao City nang kanila itong  mabaril.

Aksidente lamang aniya ang pangyayari dahil hindi niya inakalang agila ang kanyang inaasinta.

Ayon kay Chief Inspector Leonardo Pamplona, hepe ng Baguio District Police, sa kabila nito, kinasuhan pa rin ng Baguio District police si Aparesio at kapatid nitong si Rolando dahil sa paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Sa ngayon, nagpapagaling na ang agila sa pangangalaga ng PEF.

Ang agilang si ‘Matatag’ ay pinakawalan sa kabundukang sakop ng Obu Manuvu ng Bgy. Carmen noong nakaraang taon.

2011 nang dalhin si ‘Matatag’ sa PEF matapos itong makitang nanghihina sa kagubatan.

Noong nakaraang taon, napatay din ng mga mangangaso ang agilang si ‘Pamana’ tatlong buwan matapos itong pakawalan sa Davao./ Jay Dones

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.