Pangulong Duterte walang ‘cronies’ ayon sa Malakanyang
Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na walang cronies si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang mga kaibigang negosyante si Pangulomg Duterte ang yumaman habang nanunungkulan ang punong ehekutibo.
Isa sa mga negosyante na malapit kay Pangulong Duterte ay si Dennis Uy.
Ayon kay Roque, matagal nang mayaman si Uy bago pa man naging pangulo si Pangulong Duterte.
Matagal na aniyang nasa pagmimina ng ginto sa Mount Diwalwal si Uy.
Hindi na aniya kailangan na tulungan pa ni Pangulong Duterte si Uy para yumaman pa.
“Well, ang alam ko naman po mayaman na si Dennis Uy dati pa. So kung akalain ninyo pong yumaman si Dennis Uy, siguro po mas mayaman na siya ngayon pero sa mula’t mula mining po sila, sila po iyong sa Diwalwal so hindi na po sila kinakailangan tulungan ng Presidente para lumaki. Iyan po ang pagkakaalam ko sa background ni Dennis Uy,” ayon kay Roque.
Bukod sa pagmimina ng ginto, pinasok na rin ni Uy ang mundo ng telekomunikasyon kung saan ang kanyang kompanya na Dito ang magsisilbing third telco player sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.