Nasawing OFW sa Saudi Arabia, positibo sa COVID-19
Positibo sa COVID-19 ang nasawing overseas Filipino worker (OFW) sa Jeddah, Saudi Arabia ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ng kagawaran na iniulat ng Philippine Consulate General sa Jeddah na kinumpirma ng ospital na positibo sa nakakahawang sakit ang OFW nang masawi noong July 7.
“His COVID-19 swab test results also confirmed that he was positive with the virus,” pahayag pa ng DFA.
Ang OFW ay may diabetes na nang tamaan ng virus.
Inanunsiyo rin ng konsulado na 58 sa 75 male wards sa kustodiya nito ang positibo sa COVID-19.
“Following the advice of medical authorities in Jeddah, the Consulate has already placed all those COVID-19 positive in a separate quarantine facility. After 14 days, they will be given another test to make sure that they are free of the virus. A third test will be done, if needed,” ayon pa sa DFA.
Ililipat naman ang mga lumabas na negatibo sa hiwalay na pasilidad at sasailalim sila muli sa COVID-19 swab test limang araw matapos ang huling pagsusuri.
Bilang dagdag na preventive measure, nagsagawa ng disinfection ang konsulado noong July 10 sa buong tanggapan katuwang ang reputable service provider sa Jeddah.
Tiniyak naman sa Filipino community sa Jeddah, Western Region ng Saudi Arabia at pamilya ng mga Filipino sa kustodiya ng konsulado na nagsasagawa ng mga hakbang para masiguro ang kanilang kaligtasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.