Isa pang empleyado ng Kamara nagpositibo sa COVID-19

By Erwin Aguilon July 14, 2020 - 11:38 AM

Umakyat na sa labinganim ng bilang ng mga kawani ng Kamara ang nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales.

Ayon kay Montales ang ika-15 kaso ay isang congressional staff na huling pumasok sa trabaho noong July 2 pero nagtungo sa kanilang opisina noong July 6.

Sa nasabi aniyang mga pagkakataon ay walang ibang naka close-contact ang pasyente kundi ang kanyang mga kapwa staff at ang kanyang congressman.

Ang ika-16 na kaso naman ay isang security staff na mayroon ng renal problems.

Huli itong pumasok sa trabaho noong March 12, 2020.

Hiniling naman ni Montales na ipagdasal ang agarang paggaling ng mga ito gayundin ang kalagayan ng kanilang pamilya.

 

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, House of Representatives, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, House of Representatives, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.