P5.4M na halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA sa mall sa Las Piñas
Aabot sa P5.4 million na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa isang mall sa Las Piñas City.
Naaresto sa nasabing operasyon ang tatlong suspek na kinilalang sina Daisy Usman, Yasmin Balading, at Joselito Castillo.
Ikinasa ang operasyon ng mga ahente ng PDEA katuwang ang mga pulis mula Laguna, Bulacan, National Capital Region Police Office, at Southern Police District.
Nakuha din sa mga suspek ang kanilang cellphone at ang kulay gray na Toyota Vios na kanilang gamit.
Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.