PNP investigators, mga retiradong intel officer at mga criminologist students target na gawing COVID-19 contact tracer

By Chona Yu July 14, 2020 - 09:29 AM

Ikinakasa na ng inter-agency task force on emerging infectious diseases ang pagkuha sa mga pulis na imbestigador at mga health workers gaya ng doktor at nurses bilang COVID-19 contact tracers.

Ayon kay Baguio City Mayor at Tracing Czar Benjamin Magalong, kung kukulanganin pa, kukunin nila ang mga retiradong imbestigador o retired intelligence personnel pati na ang mga estudyante na nag aaral sa kursong crimimology.

Kukuha rin aniya ang pamahalaan ng mga analyst at mga information technology graduate para sa technical support.

Maari aniyang umabot sa 80 participants at isasailalim sa dalawang araw na pagsasanay.

Pero ayon kay Magalong, sa aspetong technical maaring abutin ng isang linggo ang training para sa link analysis at gis application.

Binigyang-diin ni Magalong na ang pinaka critical sa mga contact tracers ay ang mga magsasagawa ng interview.

Pinakamahalaga aniya sa kwalipikasyon ng mga contact tracers ay may tinatawag na investigative mindset at mga palatanong na tao.

 

 

TAGS: contact tracer, contact tracing czar, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, contact tracer, contact tracing czar, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.