Bagyong Carina nasa Balintang Channel na; signal number 1 nakataas sa Batanes at Babuyan Islands

By Dona Dominguez-Cargullo July 14, 2020 - 05:40 AM

Napanatili ng tropical depression Carina ang lakas nito at ngayon ay nasa bahagi na ng Balintang Channel at malapit na sa Batanes.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 35 kilometers West Southwest ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilo,eters bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong northwest sa bilis na 25 kilometers bawat oras.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes at sa Babuyan Islands.

Ngayong araw, ang bagyo ay maghahatid ng kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Abra.

Inaasahan din na ngayong araw o bukas ng umaga ay hihina na ito at magiging isang Low Pressure Area na lamang.

 

 

TAGS: Carina, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression, weather, Carina, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.