Yellow warning itinaas ng PAGASA sa Zambales at Bataan
Nagtaas na ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa mga lalawigan sa Central Luzon na patuloy na nakararanas ng pag-ulan.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 10:35 ng umaga ngayong Lunes, July 13, yellow warning ang umiiral sa Zambales at Bataan.
Ito ay dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng Bagyong Carina.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.
Ang malakas na buhos ng ulan na nararanasan ay maari ding magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.