Tropical Depression Carina, lalapit sa landmass ng Cagayan at Babuyan Islands

By Dona Dominguez-Cargullo July 13, 2020 - 08:26 AM

Posibleng mag-landfall sa kalupaan ng Cagayan at Babuyan Islands ang tropical depression Carina.

Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyong Carina ay huling namataan sa layong 275 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.

Napanatili nito ang taglay na lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes, Babuyan Islands, at sa northeastern portion ng Cagayan kabilang ang Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, eastern Lal-lo, eastern Gattaran, at eastern Baggao.

Ngayong araw, ang bagyong Carina ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Babuyan Islands at eastern section ng mainland Cagayan at Isabela.

Mahina hanggang sa katamtaman na pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Aurora, at sa northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.

Sa Miyerkules sinabi ng PAGASA na inaasahang hihina at magiging isang Low Pressure Area na lamang muli ang bagyo.

 

 

 

TAGS: Carina, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Carina, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.