Lightning Red Alert, itinaas sa NAIA

By Dona Dominguez-Cargullo July 13, 2020 - 06:17 AM

Ilang minutong naantala ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport.

Ito ay makaraang magtaas ng lightning red advisory ang PAGASA sa NAIA, 5:13 ng umaga ngayong Lunes (July 13).

Nakaranas kasi ng malakas na buhos ng ulan sa bahagi ng naturang paliparan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang airport operations para sa kaligtasan ng mga crew ng NAIA.

Alas 6:01 naman ng umaga nang ibaba na sa “yellow” ang umiiral na lightning advisory at nag-resume na ang normal na operasyon sa paliparan.

 

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, Lightning Red Alert, NAIA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, Lightning Red Alert, NAIA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.