Binabatayang LPA ng PAGASA isa nang ganap na bagyo; pinangalanang ‘Carina’
Naging isang ganap na bagyo na ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Cagayan.
Ang bagyong pinangalanang ‘Carina’ ay huling namataan sa layong 315 kilometers east ng Tuguegarao City.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapot sa gitna at pagbugso na 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw, ang bagyo ay maghahatid na ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Babuyan Islands at sa eastern section ng mainland Cagayan at Isabela.
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, nalalabi bahagi ng Cagayan Valley, Aurora, at northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.
Inaasahang tatawid ang tropical depression Carina sa northeastern portion ng Cagayan at Babuyan Islands sa pagitan ng gabi mamaya hanggang bukas ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.