Mga labi ng ilan pang OFW mula Saudi Arabia, darating sa July 20
Inilipat sa susunod na linggo ang pagbiyahe pauwi ng Pilipinas ng mga labi ng ilang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia.
Sa abiso ng Department of Labor and Employment (DOLE), layon nitong maiuwi ang iba pang mga labi ng OFWs sa nasabing bansa.
Sinabi pa ng kagawaran na base rin ito sa naging komunikasyon sa Philippine Embassy sa Riyadh.
Inaasahang darating sa Pilipinas ang mga labi ng mga OFW sa July 20.
Ito na ang ikalawang batch ng repatriation ng mga labi ng mga OFW mula sa Saudi Arabia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.