Mga ahensya ng gobyerno, hinimok ni Sen. Go na gawing prayoridad ang e-governance systems
Hinihimok ni Senador Christopher Lawrence Bong Go ang Department of Information and Technology at iba pang sangay ng pamahalaan na gawing prayoridad ang e-governance systems para mapadali ang transaksyon sa pamahalaan.
Ayon kay Go, kailangan na gawin ito lalo’t may kinakaharap na pandemya sa COVID-19.
“Sa panahon ngayon, lahat nagta-transition na to online—from E-governance, E-commerce and also online learning. Importante na hindi po maiwan ang bansa pagdating sa transition to the digital age,” pahayag ni Go.
“Dahil sa COVID-19, kinailangan mag-evolve ang mga transaksyon na normally ay kailangang face-to-face. Importante rin na ang gobyerno ay mag transition na rin. We should adopt more efficient, responsive and modern ways of transacting with our citizens. This will effectively make the government more in tune to the changing times,” dagdag ng senador.
Matagal na aniyang idinadaing ng taong bayan ang lumang sistema kalakalan sa gobyerno.
Dismayado na aniya ang taong bayan na ang simpleng pagkuha ng permit o lisensya ay inaabot ng ilang araw.
“Hindi po dapat magpatuloy na ganyang lumang sistema na lamang ang serbisyo ng gobyerno. Let us aim for a ‘better normal.’ Magmalasakit po tayo sa mga taong nangangailangan ng tulong lalo na sa panahon ngayon. Pabilisin po natin ang serbisyo at huwag na silang mas pahirapan pa,” dagdag ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.