‘Chop-chop misis’ natagpuan sa Makati, asawang Taiwanese dinakip
Walang ulo, mga braso at mga binti nang matagpuan ang katawan ng isang ginang sa bahay nito sa Pio Del Pilar sa Makati City.
Nakita ang katawan ng biktimang si Rowena Kuo – 47 anyos sa loob ng bahay sa isang residential building sa Makati.
Ang braso ng biktima ay nakita sa poso negro na may mga tama pa ng saksak ng patalim.
Habang ang ulo nito ay nakitang nakabalot ng plastic sa loob ng cabinet sa bahay.
Hawak na ngayon ng mga otoridad at isinasailalim sa pagtatanong ng Makati City Police ang Taiwanese na si Yuan Kuo na asawa ni Rowena.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.