20 BIFF, 3 sundalo, patay sa bakbakan sa Lanao del Sur

By Kathleen Betina Aenlle February 24, 2016 - 06:13 AM

Bubong LanaoTinatayang nasa 20 miyembro ng Bangsamoro Freedom Fighters o BIFF ang napatay sa loob ng tatlong araw ng pakikipag-bakbakan na ikinasawi rin ng tatlong sundalo sa Mindanao.

Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Brig. Gen. Restituto Padilla, nag-simula ang bakbakan nang may nasa 40 militante mula sa hindi pa natutukoy na grupo ang namaril sa isang kampo ng mga sundalo sa bayan ng Butig, Lanao del Sur noong Sabado.

Dinepensahan ng mga sundalo ang kanilang kampo sa paputol-putol at pasulpot-sulpot na pakikipag-bakbakan.

Ani Padilla, nagpadala na ang militar ng mga karagdagang tropa, bomber planes, helicopter gunships at artillery sa lugar.

Hinihinalang nagmula ang mga ito sa isang grupo na konektado sa isang Indonesian terrorist na napatay sa rehiyon noong 2012.

Samantala, mayroon namang ibang ulat na may isang Indonesian jihadist ang nasawi sa nasabing bakbakan, kasama ng 24 umano’y miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), habang apat naman ang napatay mula sa Philippine Army.

Napatay ang Indonesian kasama ang dalawang lokal na rebelde nang depensahan ng mga sundalo ang kanilang kampo sa Butig, Sabado ng gabi.

TAGS: firefight between BIFF and government troops in Lanao del Sur, firefight between BIFF and government troops in Lanao del Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.