Bahagi ng Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin
Makararanas pa rin ng pag-ulan ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 5:44 ng hapon ng Biyernes, July 10 ang Quezon City, Maynila, at Caloocan ay nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa susunod na dalawang oras.
Ganito na rin ang nararanasan sa Tarlac City, La Paz, at Mayantoc sa Tarlac; Candelaria at San Antonio sa Zambales; Lubao at Sasmuan sa Pampangal Balanga at Pilar sa Bataan; Angat at San Rafael sa Bulacan
Ang buong lalawigan ng Quezon ay makararanas din ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.
Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng flashflood.
Maari ding magdulot ng landslide sa mga bulubunduking lugar ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.