Barrier sa motorsiklo mas delikado ayon kay Sen. Bong Revilla

By Jan Escosio July 10, 2020 - 05:29 PM

Sumulat si Senator Ramon Revilla Jr. sa National Task Force kaugnay sa kaligtasan ng pagkakaroon ng harang o barrier sa pagitan ng motorcycle rider at kanyang backrider.

Sa kanyang sulat kay task force Chairman Delfin Lorenzana, ipinaliwanag ni Revilla na maaring makaapekto sa balanse ng motorsiklo ang barrier.

Giit ng senador, na isang motorcycle rider, napakahalaga ng balanse sa pag-disenyo, pagbuo at pagsakay sa motorsiklo.

Dagdag pa nito mas mataas ang tsansa ng aksidente dahil sa barrier at maaring mas makapagdulot ito ng pinsala sa rider at pasahero.

Bilang alternatibo, ayon kay Revilla, magsuot na lang ang rider at backrider ng masks, gloves at full face helmets o face shield bilang proteksyon sa pagkahawa ng sakit.

Katuwiran naman nito, ang tanging papayagan lang naman na magka-angkas ay mag-asawa o ang mga magkakasama sa iisang bahay.

 

 

TAGS: Bong Revilla, covid pandemic, COVID-19, Delfin Lorenzana, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, national task force, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bong Revilla, covid pandemic, COVID-19, Delfin Lorenzana, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, national task force, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.