Mga pasahero ng LRT-1 binawalang magsalita habang nasa loob ng tren
By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 04:37 PM
Ipinagbawal ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang pagsasalita sa loob ng mga tren ng LRT-1.
Sa abiso ng LRT-1, ipinaalala nito sa mga pasahero na ang pagsasalita ay ipinagbabawal sa loob ng tren.
Ayon sa abiso, ang respiratory droplets ang isa sa mga karaniwang sanhi ng pagkalat ng COVID-19.
Dahil dito, hinihimok ng pamunuan ng LRT-1 ang mga pasahero na huwag makipag-usap sa kapwa pasahero sa loob ng tren.
Kailangan ding ugaliin ang pagsusuot ng face mask at paggamit ng alcohol o sanitizer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.