Apat na pulis sugatan sa pag-atake ng NPA sa Misamis Occidental
Tinutugis ngayon ng mga otoridad ang mga rebelde na nasa likod ng pananambang sa mga pulis sa isang quarantine control point sa Misamis Occcidental.
Apat na police frontliners na nakamando sa quarantine control point ang nasugatan nang sila ay pagbabarilin sa bayan ng Concepcion.
Sa report mula sa Police Regional Office 10 na ipinarating sa PNP Command Center sa Camp Crame, nakabantay ang mga tauhan ng Concepcion Municipal Police Station sa Advance Command Post sa Barangay Putongan nang dumating ang mga rebeldeng NPA na kasapi ng Guerilla Front “Sendong” at pinaputukan sila.
Nagawa namang makaanti ng putok ng mga pulis na nagresulta sa pagkasawi ng isa sa mga rebelde.
Kinilala ang apat na nasugatang pulis na sina PCPL Marvin Inton, PSSg Larry Millan, PCPL Leo Gumisad at Pat Ritchel Tañola.
Inatasan na ni PNP Chief, Police General Archie Gamboa si Northern Mindanao PNP Regional Director, PBGen Rolando Anduyan na tiyaking maibibigay ang medical needs ng apat na nasugatang pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.