Dalawang panukalang batas ang nais ni Senator Christopher Go na makalusot sa Senado para matugunan ang problema sa pabahay sa bansa.
Paliwanag ni Go, layon ng Senate Bills 203 at 1227 na magkaroon na ng sariling bahay ang mga pamilya na nawalan ng tirahan dahil sa iba’t ibang kadahilanan, partikular na sa kalamidad o sunog.
Naniniwala ang senador na malaking tulong sa pagbangon ng mga biktima ang low cost housing programs kayat mawawala na ang mga informal settler dahil magkakaroon na sila ng sariling bahay.
Aniya, sa Senate Bill 203 o National Housing Development, Production and Financing Act, mapapabilis ang pagpapatayo ng socialized housing dahil garantisado ang pondo.
Samantala, sa Senate Bill 1227 o Rental Subsidy Program Act naman, bibigyan ng bahay ang mga nawalan ng bahay.
Banggit pa ni Go, maraming bahay ang magkakadikit-dikit kayat mataas ang potensyal ng pagkalat ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.