Lagpas 4,000 na ang bilang ng mga nagpositibo sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 4,141 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Huwebes ng umaga (July 9).
Sa nasabing bilang, 4,066 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.
4,005 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,453 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
2,302 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 250 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 2,894 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.