PNP chief Gamboa, nagpaalala sa mga pulis na nakatalaga sa quarantine checkpoints
Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa sa lahat ng pulis na nakatalaga sa checkpoints o Quarantine Control Points (QCPs) na istriktong sumunod sa probisyon ng PNP Ethical Standards.
Ipinaabot ang direktiba sa lahat ng Regional Directors sa pamamagitan ng Directorate for Operations.
Ito ay matapos makatanggap ng ilang reklamo ukol sa nagiging asal umano ng ilang pulis sa mga checkpoint.
Nagpaalala ang PNP chief sa lahat ng pulis na dapat magkaroon pa rin ng respeto lalo na sa mga babae at nakatatanda.
Iwasan din aniya ang pagkuha ng larawan ng mga pribadong dokumento.
“This is a fair warning to all the Regional Directors and their personnel on QCPs, if we continue to receive reports about being rude and impolite, I will not tolerate it and you shall be dealt with accordingly” pahayag ni Gamboa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.