Sampung volcanic earthquakes naitala sa Mt. Bulusan sa nakalipas na magdamag
Masusi pa ring binabantayan ng Phivolcs ang Mt. Bulusan sa Sorsogon matapos makapagtala ng aktibidad nitong nagdaang mga araw.
Sa 8AM Bulusan Volcano Bulletin na inilabas ng Phivolcs ngayong Huwebes, July 9, nakapagtala ng sampung volcanic earthquake sa Mt. Bulusan sa nakalipas na 24 na oras.
Ayon sa Phivolcs pawang low frequency lamang ang mga pagyanig na bunsod ng magmatic gas activity ng bulkan.
Nakapagtala din ng mahinang steam laden plumes mula sa lower southeast vent ng bulkan.
Sa ilalim ng Alert Level 1, ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng Mt. Bulusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.